Tuesday, October 11, 2011

ang alamat ng benteng aw...

Hindi mo ito namamalayan pero madalas mo itong mapansin. Marahil ngayon mu lang ito narinig pero maaaring palagi mu itong nararanasan. May ideya kanaba sa mga sinasabi ko? Kung wala ay ito pa ang clue, ang "benteng aw" ay isang bagay tungkol sa pagkawala - Oo pagkawala! at sigurado akong naranasan mu ng mawalan ng mga bagay-bagay. Interesado kana ba? Kung hindi ay tiyak na paulit-ulit mu itong mararanasan sa iyong buhay. Hayaan mung imulat ng sulating ito ang iyong kaisipan sa isang munting bagay na posibleng laging nag dudulot sayo ng pangamba, lungkot, at pagkabigla - dahil sa pagkawala!

Ang "benteng aw" ay hindi pangalan, ito ay masasabing pangyayari o maaring ding salitang pangkilos ( verb sa english di ko alam yung tagalog eh) - malinaw din na hindi sya pedeng gamitin sa pinoy henyo dahil masyado itong mahirap hulaan, subalit gaya ng sinabe ko kung itutuloy nyo pa ang pagbabasa nito malalaman nyo na ito ay very common sa ating pang araw-araw na buhay lalo na sa: magkakabarkada, estudyante at mag ka opisina! Para mas malinaw ito ang mga sitwasyon kung saan nangyayari ang benteng aw: babala maselan ang mga susunod na halimbawa at maaring makasira ng relasyon siguraduhing nasa mabuting katinuan ang pag-iisip bago at matapos itong basahin!!!

Situasyon 1: Nagaganap ang benteng aw sa jeep. Pa'no? Sumakay ka ng may kasama, nag bayad ka ng         bente at sabe nya ibayad mu muna sya at wala kanang magawa dahil sinabe nya sa drayber na "dalawa po yan". Anung nasa isip mu? Aw ang bente ko!

Sitwasyon 2: Plong: "nad nili tayo RC (softdrink ng mahirap)"
                  Nad: "o eto sampu dagdagan mu"
                  Rj: "wala kaming barya"
                  Nad: "sige na nga, eto bente, sukli ko ah"
                  (umalis ang dalawa, bumili ng RC at bumalik)
                  Rj: "eto na Nad"
                  Nad: "sukli ko!"
                 Plong: "binili namin ng chippy (yung tig pi-piso!) hehe"
                 Nad: "aw"
                 (ayun malinaw na nawala ang kanyang bente ng walang kalaban laban)

Sitwasyon 3: Ang susunod ay ang sitwasyon na kung saan ang dahilan ng "benteng" aw ay ang malalang ekonomiya ng Pilipinas. Ito ay isa lang sa maraming halimbawa - ang mahal na harina ay nagdudulot ng "benteng aw". Paano? eto:
                  Isang mainit na tanghali, bandang alas-tres ng hapon, nakaramdam ng gutom si bernard at ang tatlo niyang mga kaibigan. Mahaba na ang nilakad nila mula Palipran at nasa Area F na sila sa kaslukuyan. Naisipan nilang bumili sa isang bakery. Obviously wala silang silang pamasahe kaya sila naglalakad, pero para makabili ng tinapay ay inpon nila ang mga natirang barya ng bawat isa. Sakto umabot ito ng bente (pwera sa mga libo-libong pera na inipit ni joey na ayaw lang I-ambag). pagkatapos mag ambagan ay lumapit na sila sa panaderya. Saksihang mabuti kung paanu magaganap ang insidente.
                   Nad: "Anu kayang masarap dyan? Te eto nga oh"
                   (hindi sila pinansin ng tindera, at inuna ang isang kostumer kahit nauna silang dumating)
                   Elmer: "Nad masungit ang tindera."
                   Ben: "Oo nga . Tarayan mu din nad"
                   Nad: "Sige! Te ito nga oh!!!" (pagalit-na-pasigaw-na-payabang na sabi ni bernard habang
                   inuturo ang maliit ngunit mukang masarap na tinapay.
                   Mukang di kamahalan ang tinapay dahil sa liit nito)
                   Tindera: Magkano! (masungit na  sagot ng tindera)
                   Nad: " bigyan mu'ko eto bente!!!" (mas masungit at mayabang na sagot ni bernard na para                             bang bibilhin ang buong bakery)
                   Tindera: "bente isa nyan!!!"
                   (nagka tinginan ang magkakaibigan at nagulat, hindi nila nakita ang price board,
                   bente nga ang presyo ng tinapay. Pero dahil sa kayabangan ay wala na silang nagawa. Kundi
                   panindigan ito)
                    Ben: "Oo nga eto bente o! can't you see moth***f***ck bulsh***++?!"
                    Nad: "Oo, bente nga, Bakit?" (sabay iling)
                   (ang sumunod na bulyaw ni Ben at Bernard ay parang wala ng lakas., kundi ito ay
                    senyales ng disapointment, at hindi na sa tindera ang sigaw na yon, kundi dahil sa gutom at
                   dahil sa benteng nasayang nila. Pinaghati-an ng magkaibigan ang maliit na tinapay, hindi na 
                   nakakain si Bernard dahil dinampot ni ben at isinubo agad ito ng buong buo ni Ben)
                   Elmer: "aw! bente pala yun" (at dali-daling nagpatuloy ng paglalakd ang mag kakaibigan
                   habang minu-muni ng kahulihulihang bente nila)

Hindi bat ang sitwasyon 3 ay malinaw na halimbawa ng benteng aw? tsk. tsk. May alam pa akong insidente na sa jeep din naganap:

Sitwasyon 4: Pupunta ng gig (may banda sila) ang magkakaibigan, nung nasa jeep na sila.
                    Ben (vocalist): "wala akong pamasahe eh"
                    Nad(manager): "o, sige sagot ko pabalik mu!"
                    Joey(audience): "ako din kulang pera ko, pamasahe!"
                    Nad: "magkano ba pera mu dyan?"
                    Joey: "bente"
                    Ben: "ganito gawin naten, akin na yang bente mo" (inabot ni koey ang bente kay Ben)
                    Joey: (ngumiti) "libre nyo'ko"
                    Ben: "hindi akin na tong bente mo, umuwi kana!!!"
                   (at wala ng nagawa si Joey kundi umuwi, napilitan syang bumaba ng jip dahi; lima lang ang
                    binayad na grupo kahit pang anim si joey)
                    Joey: "aw" (nagsimulang maglakad pauwi.)

"Huhu, ang BENTE ko!! aw"
Sana ay malinaw na sa ating lahat. Maaaring maganap kahit saan ang "benteng aw." maari din itong mangyari habang natutulog, habang kumakain, habang nangingisda, habang nasa eroplano, habang nagto-toothbrush, habang, nagluluto, hindi lang ito nawawalang sukli, pede din itong pantaya sa lotto o pampusta sa tong-it. Kayas maging mapamatyag tayo sa ating mga kaibigan at wag maging biktima! Maaaring naranasan mu na ang mga halimbawang sitwasyon na aking nabanggit ngunit maari din namang meron kang sariling karanasan ng "benteng aw." Kung ikaw ay nais mag-bahagi ng iyong karanasan maaring mag iwan ka lang sa comment box sa ibaba. At kung ikaw ay palaging biktima nito maari ka ring sumangguni sa amin. Ang aming grupo ay mga eksperto sa sa penomenang ito. Tiyak na masasagot namin at mabibigyan kalutasan kung kayo ay dumadanas ng ganitong problema. Ipaalam nyo lang sa amin.

             

No comments:

Post a Comment